OTWOL

Love That Never Grows Old
by Juan Miguel Severo 

balang araw, ang mga brasong ito, ay hindi ka na kakayaning kargahin.
kukulubot na rin, ang mukha, na una mong minahal, maging ang mga gusaling nakasanayan natin – posibleng magiba at palitan.

may mga palayan tayong napuntahan
na magbibigay daan, sa pangalan umano ng pag-unlad
pero ikaw, tayo – tayo ang kailangan kong huwag magbago sa mundo.

kailangan kong malaman, na kung malagas man ang mga ngipin ko
kasabay ng mga taon, mapapasaya ka parin ng ngiti ko.
kailangan kong sabihin mong malinaw pa rin sa yo
ang pagtingin mo sa akin, kahit na lumabo na ang mga mata mo.
at kapag dumami na ang mga uban natin, at ang ulo ko ay nagmistulang mga bakanteng pahina ng isang aklat, ipangako mo sa akin
kuwento parin natin, ang hindi mo pagsasawaang isulat.

mahal, 
may mga araw tayong hindi na maalala pagdating ng panahon na iyun
ang ating mga kahapon ay posibleng kumupas, at sakupin ng bawat parating na ngayon.

pero kung sakali lang, na mapaisip ka, at matakot, kung tama ba, na mabuhay tayo ng magkasama
panghawakan mo ang ating kasaysayan, wag limutin ang pagsinta, magbalik tayo sa simula

yakapin mo ako sa bawat ngayon at bukas, gaano man malimutan ang mga nangyari sa gitna, balang araw, pupunuin ng pagtanda ng mga guhit ng ating mukha, rurupok ang ating mga buto, pero ikaw
ikaw parin ang paborito kong libro
at babasahin kita ng paulit-ulit hanggang sa huling pagtulog ko

nasasabik – sa mga bukas kapiling mo, ako

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s